Sa pagsalubong sa liwanag
Sa silaw ako’y nabubulag
Sa hampas ng hangin
Tila aking sarili’y nabaling
Sa tunog ng alon
Nakahanap ng pagasa sa muling paglaon
Sa layo ng aking tingin
Tila pangarap ay kakamtin
Ngunit saan pupulutin
Kung kasing taas ng bituin
Inaasam ko’y di mararating
Sa dami ng nilalang na umaasa
Sa dalampasigan kaya’y may mapapala
May lugar kaya sa aking mga pangarap
Pangarap na sa isip ko lang nagagawa
Sa sandaling paghigop sa akin ng hangin
Ang maliit kong mundo ay tumigil
Sa segundong paglisan sa aking sarili
Nahanap ko ang papawi sa dilim
Liwanag ay aking nakamit
Pag ikot ng mundo’y tila langit
Tunog ng ibon na sumasagip
Sa aking pag bitaw sa hanging sumisilip
Sa pagpikit ng aking mata
Lumisan ang lungkot at kaba
Walang katapusang pag asa at saya
Sumalubong sa aking paglaya
Ngunit sa paghahanap ko sa sariling liwanag
Agad akong pinagkaitan
Ang lubusan kong saya ay napawi
Nalugmok sa dilim at sawi
Sa aking pagtakbo patungong liwanag
Habang papalapit ito’y naglalaho
Unti-unting dumidilim
Nagtatago at nawawala
San pa pupulutin
Liwanag na gustong kamtin
San pa hahanapin
Liwanag na inagos na ng hangin
San pa aabutin
Liwanag na sing taas ng bituin
Sa aking pagtatanong
Bigla akong napabitaw
Sa pagkalas sa yakap ng hangin
Pag asa at pangarap ko’y nabaling
Tuluyang paghulog na walang pinagmulan
Pagsalubong sa nalalapit na paglisan
Sa pagbagsak ko sa katapusan
Namulat ako sa dilim ng liwanag
Nabulag ako sa sikat ng araw
Sa sikat at liwanag na bubuo sa aking pangarap
Pangrap na akala ko’y naglaho
Inagos at inilayo
Pangarap na di ko inaasahang mabubuo
Sapagkat tuluyang naibaon sa limot
Ngayon ay alam ko na
Kung paano mararating
Kung saan hahanapin
At saan maaaring pulutin
Sa lugar kung saan nilamon ako ng tanawin
Kung saan tumigil at nabaling
Mundo kong puno ng dilim
Sa Dalampasigan
Sa Dalampasigan lang pala
jan
No comments:
Post a Comment